Regulatory at Taxation Ordinance ng LGU Sta. Magdalena, idineklarang invalid ng SP

Idineklarang invalid ng Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon ang Municipal Ordinance No. 03-2023 o ang Regulatory at Local Taxation ng bayan ng Sta. Magdalena.

Sa ipinalabas na Resolution No. 579-2023 ng Sanggunian o ang Resolution Upholding the Invalidity of Sta. Magdalena Municipal Ordinance No. 03-2023, nakasaad dito na ang nasabing Municipal Ordinance ay prejudicial o labag sa Section 150 ng Local Govenrment Code of 1991.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Bukod pa rito, hindi rin umano malinaw ang kahulugan at pagkakaiba ng business permit at business tax at kung kanino ipapataw ang nasabing tax kung saan ang Regulatory at Taxation power ng LGU ay hindi umano puwedeng pag-isahin o pagsamahin sa iisang ordinansa.

Malinaw rin  sa Memorandum Circular 01-2020 ng Bureau of Local Government Finance na hindi na kailangan pang kumuha ng Mayor’s o business permit ng mga service contractors na nagbibigay ng temporary at outsourced services sa labas ng LGU kung saan meron itong principal office o kaya branch office.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Mas mabuti umano na gawing gabay ng LGU sa mga susunod pang tax ordinance ang Section 186 ng RA 7160 o ang Local Government Code of 1991.

Una rito, humingi ng klaripikasyon ang Sangguniang Bayan ng Sta. Magdalena sa pag-invalid ng SP sa nasabing Ordinansa.