Mahigit P500K iligal na droga, nasamsam ng Pulis Kasanggayahan sa 7 operasyon sa buwan ng Oktubre

Nasamsam ng Pulis Kasanggayahan ng Sorsogon ang mahigit P596K na iligal na droga sa ikinasang 7 anti-illegal drug operations na isinagawa ng iba’t-ibang police units mula Oktubre 1-31 nitong taon.

Sa datos na nakuha ng Brigada News mula sa PRO5, 7 drug personalities ang naaresto sa mga operasyon sa buong lalawigan.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

May kabuuang 87.394 gramo ng shabu at 11.785 gramo ng Marijuana ang nasamsam sa mga operasyon na ginawa ng iba’t-ibang police stations.

Sa 7 anti-illegal drugs operation, lima dito ang buy-bust habang 2 ang sa pamamagitan ng search warrant.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng PNP-Bicol sa publiko para sa patuloy na suporta dahil ang nasabing accomplishments ay nagpakita ng epektibong pagtutulungan ng komunidad at iba’t-ibang stakeholders.