32 katao, patay sa sunog sa rehab center sa Northern Iran

Patay ang tatlumpu’t dalawang indibidwal nang sumiklab ang matinding sunog sa isang drug rehab center sa hilagang Iran partikular na sa Tehran.

Read More:  Pilot stabbing incident forces Israel-Bound flight to emergency landing

Ayon kay Tehran Provincial deputy Governor Mohammad Jalai, 16 katao ang nasugatan, at apat doon ay nasa kritikal na kondisyon.

Sinabi pa ni Jalai,  nag-umpisa ang sunog nang magliyab ang isang heater hanggang sa masilaban nito ang kalapit na kurtina.

Read More:  Container port congestion in Asia may drive freight rates higher through 2027

Inihayag naman ni Tehran Chief justice Esmail Sadeghi na arestado ang hindi pa pinapangalanang suspek at kasama na rito ang manager ng rehab center.