Mga nakumpiskang gamit sa mga sementeryo, ibabalik– PNP

Siniguro ng Kapulisan na maibabalik sa mga bumisita sa mga Sementeryo ang gamit na kanilang nakumpisa sa kasagsagan ng Undas.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PLTCOL Eunice Salas, Chief PIO ng NCRPO, sinagot nito ang concern ng ilang mga nakuhaan ng ipinagbabawal na gamit sa Sementeryo kung maibabalik pa ba ito sa kanila sakaling nais nilang bawiin matapos ang undas.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Ayon kay PLTCOL Salas, tiniyak ni Manila North Cemetery Director Yayay Castañeda na ibabalik nila ang mga nakuhang gamit ngayong araw habang makikita sa kanilang facebook page ang schedule ng release na hindi na nga isinabay matapos sa All Saints at All Souls day.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Kung maalala sa Manila South at North Cemetery na nangngunang malalaking Cemetery sa Metro Manila ay nakakumpiska ang Manila Police District ng mga flammable materials, patalim, pabango at sigarilyo.