MRT-3, magbibigay ng libreng sakay sa Lunes para sa mga estudyante hanggang SHS

Magkakaloob ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Lunes, November 6 para sa mga estudyante hanggang Senior High School (SHS).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Council for the Welfare of Children, Undersecretary Angelo Tapales na ito’y regalo sa mga bata kaugnay sa pagdiriwang ng 2023 National Children’s Month.

Read More:  DepEd thanks LGUs, private sector for boosting school security

Ang libreng sakay ay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Ipapakita lamang sa teller ang kanilang ID bilang patunay na sila’y sakop ng libreng sakay.

Ayon kay Tapales, susubukan nilang makipag-ugnayan sa pamunuan ng MRT na agahan pa sana ang mga nakatakdang oras dahil maaga rin ang pasok ng mga bata.