Egyptian Border, binuksan na

Binuksan na ng Egpyt ang border nito para sa mga foreign nationals na lumikas mula sa Gaza.

Kabilang sa mga papayagang makatawid sa Rafa border crossing ang mga sugatan at kritikal ang lagay bunsod ng giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Read More:  Philippines considers expanding oil imports from Russia

Kasama sa mga makatatawid ay ilang mga foreign nationals na kasapi ng international humanitarian groups; kabilang na ang dalawang Pilipinong doktor na miyembro ng grupong Doctors without Borders.

Read More:  Australia detects first case of H5N1 bird flu

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas, nakikipag-ugnayan sila sa Israel at Egypt upang makalikas na rin ang nasa higit 100 na Pilipinong na-trap sa Gaza.