Insidente ng karahasan naitala sa mga lugar na wala sa red category

Iniulat ng Commission on Elections na wala sa red category at Comelec control ang mga naitalang insidente ng karahasan sa pagtatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Isa na dito ang mga nangyari tensyon sa dalawang presinto sa Palawan dahil may mga nagpunit ng balota.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Sa Lanao Del Norte naman nauwi sa suntukan ang pagtatalo ng dalawang indibwal at kahit mga pulis ay nadamay na rin sa insidente.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Dalawa naman ang namatay sa pamamaril sa Barangay Bugawas Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Paliwanag naman ng Comelec na ikinagulat nila ang nangyari dahil hindi naman pasok sa red category ang mga lugar na nagkaroon ng insidente.