OCPO tiniyak na may nakatalaga sa bawat EMAC

Tiniyak ng Olongapo City Police Office na may mga kapulisang nakatalaga sa bawat Election Monitoring Action Center o EMAC sa mga police station.

Ito ay bahagi ng seguridad sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa araw ng Lunes.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ayon kay OCPO Information Officer PMaj. Rodel Paragas, mayroong dalawampu’t tatlong mga polling centers at kasama ang Mobile Force gayudin ang SWAT ay may mga nakabantay.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala, humigit-kumulang limandaang kapulisan ang itinalagang magbantay sa lungsod sa araw ng halalan.//Jen Bayot-BNFM Olongapo