NAGA CITY – Magiging modular learning na muna ang sistema ng klase sa darating na Linggo dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election at Undas 2023.
Ito ang sinabe sa Brigada News FM Naga ni Dr. Gilbert Sadsad, Regional Director ng Department of Education Bicol.
Una nang ipinalabas ng DEPED na sa Oktubre 31 at Nobyembre 3 ay wala nang face to face classes, modular na lamang upang hindi masayang, hindi na rin kinakailangang mag-extend pa sa klase.
Ang DEPED Naga, ay wala pang pormal na ipinapalabas na anunsyo, ilang paaralan naman sa Camarines Sur, sinabe na ito sa mga estudyante maging sa mga magulang at babalik na lamang sa Nobyembre 6.
Kaugnay nito, ayon pa sa opisyal dapat naibigay na sa mga mag-aaral ang mga modular materials na gagamitin para sa nasabing long weekend, at pinaalalahanan na rin ang mga guro na icheck ang mga out put ng mga bata dahil ilang report din ang nakarating na hindi umano binabasa ng guro ang gawa ng mga mag-aaral.