Dwight Ramos, tampok sa NBA season campaign video

Itinampok ng National Basketball Association (NBA) ang Gilas Pilipinas player na si Dwight Ramos sa 2023-2024 season tip-off video.

Makikita si Ramos sa extended cut ng “Everyone’s Game” campaign, sa paglunsad ng ika-78 na season ng NBA.

Bukod pa sa Gilas player, makikita rin sina Joel Embiid ng Philadelphia 76ers, Jayson Tatum ng Boston Celtics, Jamal Murray ng Denver Nuggets, Bradley Beal ng Phoenix Suns, De’Aaron Fox ng Sacramento Kings, at Zach LaVine ng Chicago Bulls.

Nagbukas ang 2023-2024 season kahapon, kung saan naglaban-laban ang mga ilang koponan, kabilang na ang Denver Nuggets, Los Angeles Lakers, Phoenix Sun, at Golden State Warriors.