LTO, mas pinagtutuunan umano ng pansin ang mga oportunidad na dala ng full digitalization

Nanindigan si Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza sa pagsusulong ng mungkahing full digitalization ng lahat ng transaction ng ahensya.

Ayon kay Mendoza, nasa final phase na sila ng review para sa launching ng full automation para sa pagproseso ng mga river’s license at motor vehicle registration bago ang pagtatapos ng Nobyembre.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Hindi na rin umano nais pagtuunan pa ng ahensya ang mga bagay na nagresulta sa mga glitches at missed opportunities para sa full utilization.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Binigyang-diin ng opisyal na naka-focus sila sa pagsasaayos ng mga problems sa pinakamabilis na panahon upang matugunan ng ahensya ang long-overdue reliable at magagandang serbisyo para sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa.