Central Luzon Regional Project Monitoring Committee ininspeksyon ang Capas-Botolan Road Project

Ininspeksyon ng Central Luzon Regional Project Monitoring Committee ang ginagawang Capas-Botolan Road Project.

Ito ang daang magdudugtong sa Tarlac at Zambales na makakatulong sa mas mabilis na daloy ng kalakalan.

Ayon sa National Economic and Development Authority Region 3, nasa 48% na ang natatapos sa bahagi ng Tarlac habang nasa 72% naman sa parte ng Zambales.

Read More:  Himamaylan weavers get more time to work as solar lights brighten their nights

Ang konstruksyon ay kinabibilangan ng 62-kilometers na daan na may labinlimang tulay.

Read More:  4 killed, 17 injured after truck crashes into tree in Southern Leyte

Sinimulan ang proyekto noong taong 2013 ng Department of Public Works and Highways na target matapos sa 2029 at ito’t pinondohan ng 4.7 bilyon mula sa General Appropriations Act.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: NEDA Region 3