QC Mayor, nakikisimpatya sa pamilya ng nawawalang Ateneo student

Nakikisimpatya si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa magulang at maging sa mga mahal sa buhay ng nawawalang Ateneo student na si Christian Xavier “Xavi” Algenio.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Bukod dito, nagpasalamat din si Belmonte sa mabilis na pagtugon ng Quezon City Police District matapos malaman ang pangyayari.

Ayon sa QC Mayor, inatasan na nito ang mga kaukulang ahensya ng lokal na pamahalaan na ibigay ang lahat ng kailangang tulong sa pamilya ng nawawalang Atenista.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Maaalala, huling nakita si Algenio noong hapon ng Lunes sa UP Town Center.