Pope Francis at US Pres. Biden, nag-usap sa telepono ukol sa giyera sa Israel

Nag-usap sa telepono sina Pope Francis at United States President Joe Biden hinggil sa giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Ayon sa ulat ng Vatican, nagtagal ang kanilang pag-uusap ng halos 20 minuto at nakatuon daw ang kanilang naging pag-uusap hindi lamang sa kaguluhan sa Israel kundi pati na rin sa mundo.

Read More:  Premature baby evacuated to Egypt reunited with mother in Gaza

Una nang hinimok ni Pope Francis na itigil na ang giyera sa Israel at nanawagan na pakawalan na ang mga bihag ng Hamas.

Read More:  China’s preparations for possible Taiwan attack reportedly delayed

Bukod dito, ikinalungkot din ng Santo Papa ang pagbomba ng grupo sa isang Anglican hospital at isang simbahan doon sa Gaza.

Sa kabilang dako, inaanyayahan naman ni Biden ang mga Israelis na ipagpaliban muna ang paglusob sa Gaza.