Proyektong Convention Center ng isang Partylist sa Masbate City, malapit nang simulan

Malapit nang simulan ng Ako Bicol ang proyekto na convention center nito sa Sitio Lumbang, Brgy Malinta, Masbate City.

Una nang nagpahayag ang Executive Director ng AKB na si Alferdo ‘Pido’ Garbin na plano nila na malagyan ng mga convention centers ang lahat ng lalawigan sa rehiyong Bicol.

Read More:  Tricycle driver stabbed by minor in Bacolod City

Maliban pa dito, magkakaroon din umano ng tig-P100M na pondo para sa meeting incentives convention exhibition (MICE) at education and health program.

Una nang nilagyan ng convention and evacuation center ng AKB ang Bicol University na nagkakahalaga ng P750M.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Ayon kay Garbin, ang convention center ay isang multi-purpose facility na maaaring gamitin para sa convention, pansamantalang evacuation center, training center para sa Disaster Risk Reduction (DRR) at puwedeng imbakan o storage ng DRR equipment para sa disaster response.