Magnificent 7, ipinanawagang ibalik sa pwesto ni suspended Chairman Guadiz

Nagtipon-tipon sa harap ng opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB kaninang umaga ang ilang transport group na kabilang sa Magnificent 7 upang ipanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabalik sa puwesto ni suspended Chairman Teofilo Guadiz III.

Read More:  PAGASA warns of heavy rains across Luzon through National Heroes’ Day

Sinabi ni Pasang Masda Pres. Obet Martin, sa pamumuno ni Guadiz , naipapahayag daw nila ng malaya ang kanilang mga hinaing at agaran naman daw itong pinakikinggan at tinutugunan ng pamahalaan.

Read More:  House lead prosecutor says Lachica may no longer need to testify

Maaalalang, sinuspinde ni Pangulong Marcos si Guadiz sa gitna ng ulat nang korapsyon sa naturang ahensiya.

Isa ang umano’y korapsyon sa LTFRB ang pinoprotesta ng grupong Manibela sa ikinasa nilang tigil-pasada.