Labor reforms kasama sa agenda ni PBBM sa sidelines ng ASEAN-GCC Summit

Inaasahang matatalakay sa sidelines ng kauna-unahang ASEAN-Gulf Cooperation Council o GCC summit ang usapin patungkol sa proteksyon ng mga manggagawang Pinoy kaugnay sa labor reforms.

Sa pre-departure briefing kaninang umaga ni Department of Foreign Affairs Asst. Secretary Daniel Espiritu, sinabi nitong kasama rin sa magiging agenda ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagdalo nito sa ASEAN-GCC Summit ang patungkol sa kaso ng sampung libong OFW na hindi pa nababayaran ang sahod.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Bagaman matipid ang naging sagot dito ni Espiritu, tiniyak naman nitong matatalakay ito sa magiging bilateral meeting ng Pangulo kasama ang Saudi Arabia.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Matatandaang mismong si Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman ang nangako kay PBBM na babayaran ang Pinoy workers na naapektuhan ng pagsasara ng pinapasukang mga kumpanya nang magkaroon ng krisis sa kanilang bansa noong 2015 at 2016.