DOST, pinakabagong biktima ng cyberattack

Department of Science and Technology o DOST ang pinakabago na namang ahensya ng gobyerno biktima ng data leak.

Sa isang pahayag, iniulat ng Kagawaran na iniimbestigahan na nila ang naturang cyberattack.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Anila, nangyari raw ang insidente sa OneExpert portal.

Pinagpapaliwanag na rin ang naturang portal matapos madiskubre ang isa umanong compromised account na naka-access sa kanilang site.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Sa kabila nito, nilinaw ng Kagawaran na wala pang eprsonal na information ang kumpirmadong na-kompromiso sa insidente.