EJ Obiena, magsisimula nang mag-training para 2024 Paris Olympics

Kinokondisyon na ni pole vault world number 2 at Asian Games gold medalist EJ Obiena ang kanyang sarili bilang matinding paghahanda sa 2024 Paris Olympics.

Ibinunyag ni Obiena na sisimulan na niya ang kanyang training program para sa Olympics sa susunod na linggo.

Read More:  Team PH wraps up Asian Para Games campaign with seven medals

Batid rin nitong mataas ang pressure at expectations sa kanya matapos ang kanyang silver medal sa world championships at gold medal sa 19th Asian Games.

Read More:  Eala, Krawczyk withdraw from Tokyo Open doubles

Kinilala rin niya ang kahalagahan ng pagsasanay ng mga world-class na atleta mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, na nagpapanatili sa kanya bilang motibasyon sa lahat ng oras.