Ipatutupad sa bayan ng Alicia ang karagdagang checkpoint bilang pag-iingat sa banta ng African Swine Fever o ASF.
Sa ekslusibong panayam ng Brigada News Team kay Veterinarian Vladimer Caloza ng Alicia, magdaragdag aniya sila ng mga checkpoint sa boarder ng Ramon, at San Mateo.
Kaugnay nito, kasalukuyan namang may naka-pwestong checkpoint sa barangay ng Sta. Cruz –Main at San Fernando maging sa barangay Viga, at Barancuag naman sa Angadanan.
Kinumpirma naman ng opisyal na nakapagtala na rin ng dalawang kaso ng ASF sa naturang bayan.
Muli namang nagpa-alala ang Veterinarian sa mga nag-aalaga ng baboy na pa-igtingin ang kanilang bio-security upang mapangalagaan ang mga alagang baboy.