Pacquiao at Teves, nagkita

Nagkataon lang daw ang pagkikita ni dating Senador Manny Pacquiao at dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr. sa Timor Leste.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano, kinumpirma ito ng kampo ng dating senador na “chance encounter” lang ang naganap sa bansa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ginawa ng DOJ ang pahayag matapos ang isang video na umikot sa social media, kung saan nakitang nakayakap si Teves kay Pacquiao pagdating sa airport.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Dagdag pa ni Clavano, matagal nang alam ng ahensya na nasa Timor Leste ang dating congressman at patuloy pa rin ang kanilag pagtugis dito sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.