Vog na ibinubuga ng Bulkang Taal, kumalma na ayon sa PHIVOLCS

Humupa na ang Bulkang Taal matapos ang tuluy-tuloy na pagbubuga nito ng volcanic smog ‘o vog nitong nagdaang linggo.

Ayon kay PHIVOLCS dir. Teresito Bacolcol – wala nang masiyadong vog na nabuo ngayong umaga ng Lunes.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Sa kabila nito, mayroon pa rin aniyang steam mula sa Bulkang Taal na may taas na 2,400 metro.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa huli, sinabi ng PHIVOLCS official na wala pa ring indikasyon ng posibleng eruption ng Bulkan.