Panuklang batas, inihain sa kamara na bigyan ng mandatory GSIS coverage ang mga Brgy at SK officials

Inihain na sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng mandatory coverage ang mga Brgy at Sangguniang Kabataan Officials ng Government Service Insurance System (GSIS).

Sa ilalim ng House Bill (HB) No.3355 o proposed Mandatory GSIS Coverage for Barangay Officials Act, gagawa ng hakbang ang lokal na pamahalaan para ma-subsidize ang ang kontribusyon ng mga punong barangay, miyembro ng Sangguniang barangay, barangay treasurer, secretary, chief tanod at administrator at SK chairperson.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Si Quezon City 5th district Rep. Patrick Michael “PM” Vargas ang nagsusunolong ng nasabing HB na kahalintulad naman ng panukalang batas na ng kapatid nitong si dating congressman Alfred Vargas na naglalayong mabigyan ng karagdagang benepisyo ang mga barangay officials sakaling magkaroon ng sakit o aksidente.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Quezon City Congressman Vargas, hindi sapat ang benepisyo ng mga naglilingkod sa Brgy na malaki naman ang naitutulong sa kumunidad kaya dapat na mabigyan din ng pansin.