DOJ, hahawak sa kaso ng umano’y pang-aabuso ng Socorro Bayanihan Services

Hahawakan ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa umano’y mga pang-aabuso ng Socorro Bayanihan Services (SBS).

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ito ang inanunsiyo ni Justice Secretary Jesus Cripsin Remulla.

Ayon kay Remulla, sa Manila dinala ang kaso para sila na mismo ang tututok sa pag-imbestiga sa alegasyon ng mga complainant.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Dagdag pa ng Justice Secretary, nasa Maynila na rin ang mga testigo at aasahang bibigyan sila ng proteksyon ng DOJ.