Babaeng Shoplifter, arestado dahil sa pagnanakaw ng ‘briefs’

Dumayo pa sa Sorsogon ang isang babaeng shoplifter para magnakaw ng briefs subalit ang krimen ay nakuhanan ng CCTV sa isang dry goods store sa Brgy South Poblacion, Juban.

Kinilala ang nadakip na si Baby Jean Arnaldo Benitag, 31-anyos, may kinakasama at residente ng Brgy Bagtang, Daraga, Albay.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Sa pahayag sa Brigada News ng Juban MPS, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang empleyado ng dry goods store tungkol sa nadakip nilang shoplifter.

Nasamsam sa posesyon ng suspek ang 18 pirasong ‘George’ briefs at tatlong overrun sando na may kabuuang halaga na P1, 540.00.

Read More:  Two men gunned down at Davao del Norter gas station

Nahaharap na sa kasong theft si Benitag at sa update na nakuha ng Brigada News, nasa custodial facility pa ito ng nasabing himpilan dahil hindi pa ito nakakapag lagak ng piyansa.