Bulacan lawmaker, pinuri si Pangulong Marcos Jr. at ang BOC dahil sa pamamahagi nito ng mga smuggled na bigas

Tama raw ang naging desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na ipamahagi sa mga mahihirap ang mga smuggled na bigas.

Ayon kay Bulacan 6th District Representative Salvador Pleyto., ito raw ang pinakamainam na hakbang upang mahinto ang smuggling sa bansa dahil hindi na ito mapakikinabangan at mapagkikitaan ng mga smugglers.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Pinuri rin ni Pleyto ang Bureau of Customs (BOC) sa pagkakasabat nito ng humigit kumulang na 42,000 sako ng mga imported na bigas na may halagang P42 million nitong September 15, 2023 sa Zamboanga City.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Nauna na ritong sinabi ng Pangulong Marcos Jr. sa publiko na tatapusin ng kaniyang administrasyon ang smuggling sa bansa kung saan ito ang isa sa mga nakasisira sa agricultural sector ng Pilipinas.