Nakasamsam ang awtoridad ng aabot sa limampu’t pitong pakete ng hinihinalang shabu at limang pakete ng marijuana at maging paraphernalia sa Manila City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ito ay sa pamamagitan ng ginawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon sa PDEA, nakitang nakasilid sa mga tsinelas ng mga person’s deprived of liberty (PDL) ang illegal na droga.
Kaugnay nito, nakatakda nang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang mga mapapatunayang nagsilid nito.