Palasyo, nakikitang kayang magbakuna ng 6k araw-araw ang Solaire vax site vs COVID-19

Nakikita ng Palasyo na ang COVID-19 vaccination site na ihohost ng Solaire Hotel para sa pagtuturok ng Moderna vaccine doses ay kayang mag-accommodate ng 6,000 indibidwal araw-araw.

Ginawa ni presidential spokesperson Harry Roque pahayag sa pagbisita ng mga eksperto ng mula sa Israeli sa Solaire COVID-19 vaccination site, kung saan doon pupunta ang mga empleyado ng mga pribadong kompaniya na bumili ng Moderna sa ilalim ng tripartite deal sa national government.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Sinabi naman ni Roque na ang naturang inisyatibo ng private sector ay malaking tulong sa vaccination program ng gobyerno na na naglalayung magbakuna ng nasa 500,000 araw-araw, para maabot ang herd immunity sa katapusan ng 2021.

Read More:  House prosecutors await VP Sara’s appearance in impeachment trial

Nabatid na seven million doses ng Moderna vaccine ang binili ng private sector. // MHEL PACIA-TRINIDAD