Pura Luka Vega – ‘no-show’ ulit sa pagdinig ng kasong inihain ng mga Deboto ng Nazareno

Muli na namang hindi nagpakita si Pura Luka Vega sa pagdinig ng kasong isinampa sa kanya ng Hijos del Nazareno sa Manila Prosecutors Office.

Maalala, sinampahan ng kaso sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code si Vega matapos ang viral video nitong “Ama Namin”.

Read More:  Hontiveros calls out Meta over violent content after Zamboanga school shooting

Ayon sa awtoridad, ito na ang pangalawang beses na hindi siya dumalo sa preliminary investigation ng kanyang kaso.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Samantala, binigyang-diin naman ng Hijos na bukas naman silang patawarin ang drag queen at bawiin ang reklamo.

Dagdag pa nila, bukas lagi ang kanilang simbahan upang tanggapin ang personal na paghingi ng tawad ni Vega.