18 na drug personality, arestado sa one-day anti-illegal drugs operation ng Laguna PNP

Arestado sa one day anti-illegal drug operation ng Laguna Philippine National Police ang labingwalong drug personalities matapos makumpiskahan ng shabu at marijuana.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Tinatayang aabot sa P152,840 ang halaga ng mga nasamsam na illegal na droga.

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ang mga suspek na siyang haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Isusumite na rin sa Provincial Forensic Unit ang nakumpiskang ebidenya para sa forensic examination.