Bar tender, patay matapos malunod sa Batangas

Patay ang isang bar tender matapos na malunod habang naliligo sa dagat sa Sitio Bay-bay, Brgy. Bucana, Nasugbu, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Mark Andrew Famor, 24 anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa Nasugbu Municipal Police Station, nalunod ang biktima habang naliligo sa dagat pasado alas-4:00 ng hapon nitong Martes, September 12.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Matapos matanggap ang report ay agad na nagsagawa ng joint retrieval operation ang Nasugbu MDRRMO rescue team at Coast Guard Nasugbu Sub Station na umabot ng ilang oras.

Kinaumagahan, dakong alas-7:00 ng umaga ay tuluyang narekober ng retrieval team ang bangkay ng biktima.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Batay sa imbestigasyon ng Nasugbu MPS, walang nakitang indikasyon ng foul play sa nangyaring insidente.

Posible umanong nahigop ng malakas na water current ang biktima habang naliligo dahilan para ito ay hindi makaahon at tuluyang nalunod.