Central Visayas, sumunod sa mga rehiyong nakatanggap ng dagdag-sahod

Aprubado na rin ang taas-sahod para sa mga mangagawa sa Central Visayas.

Ayon sa Wage Board ng rehyon – naaprubahan na ang P33 na minimum wage increase.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Dahil dito, tataas na sa P460 ang minimum wage sa mga non-agriculture industries; at P458 naman sa mga agriculture, pati na rin sa mga establishments na mayroong hindi hihigit sa sampung mga empleyado.

Epektibo ang wage adjustment sa October 1.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Bago ito, una nang tiniyak ng Labor Department na matapos ang aprubadong wage hike sa Metro Manila, CALABARZON, at iba pang mga regions – masusundan pa ito habang dinidinig pa ang mga petisyon.