Mga ‘unfinished’ airport at railway projects ng DOTr, ginisa sa Senado

Nakatanggap ng maraming puna at katanungan ang Department of Transportation (DOTr) matapos ang mga naitalang ‘unfinished’ airport at railway projects nito.

Ilan lang sa mga naitalang hindi pa nila natatapos na itayo ay ang mga airports sa parehong probinsya nina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda na Bukidnon at Antique.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Kaugnay nito, kinwestiyon ng parehong senador ang sanhi sa mabagal na paggawa ng mga ito.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Matapos namang hindi makasagot agad sa mga senador ni DOTr Undersecretary for Aviation and Ports Manuel Antonio Tamayo ay hiningan ito ni Legarda na magpasa sa komite ng progress report.

Samantala, giniit ni Legarda na hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng pondo upang matapos ang mga nasabing proyekto.