PBBM, manonood ulit ng Formula 1 Grand Prix habang nasa Singapore

Biyaheng muli si Pangulong Bongbong Marcos partikular sa bansang Singapore upang dumalo sa 10th Asian Summit.

Ayon sa Palasyo, magbibigay ng talumpati si Marcos tungkol sa pagsisikap ng gobyerno sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino sa gitna ng mga hamon mula sa mahahalagang kaganapan sa mundo.

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Si Pangulong Marcos din ang kauna-unahang nakaupong Presidente ng Pilipinas na magsasalita sa Milken Institute’s Asia Summit.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Samantala sa impormasyon na ibinahagi ng Presidential Communications Office, inaasahan rin na manonood ang Pangulo sa finals ng Formula One Singapore Grand Prix 2023, matapos daw itong imbitahan ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.