NFA, limitado lang umano ang papel ngayong ipinatupad na ang price ceiling sa mga bigas – NFA Bicol

LEGAZPI CITY – Limitado lamang umano ang papel o kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) sa ipinatupad na Executive Order No. 39 ni Pangulong Bongbong Marcos o ang price ceiling sa mga bigas.

Ito ang inihayag ni NFA Bicol Assistant Regional Manager Julie Llenaresas sa Brigada News FM Legazpi.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Aniya, kahit pa nasa ilalim sila ng Department of Agriculture, sila ay dineputize lamang sa pagbibigay ng technical assistance.

Wala umano silang otoridad at kapangyarihan pagdating sa pagpapatupad ng anumang hakbang lalo na kung pagdating sa monitoring dahil ang DA at Department of Trade and Industry ang may hawak nito.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Ayon sakanya, sila lamang ang nakatoka sa pagtukoy ng pagkakaiba ng regular milled at well-milled rice, ngunit hindi sa pag-enforce o ang pagpe-penalize sa mga lalabag.

Matatandaan, nitong nakaraang linggo naging epektibo ang price ceiling sa mga bigas na maglalaro lamang sa mula PHP41-45 ang presyo ng regular milled at well-milled rice.