Fish vendor na binaril sa El Nido,“napagkamalan” umano ayon sa suspek- PNP

Napag-kamalan lang umano ang fish vendor na nabaril- patay sa Sitio Lamoro, Brgy. Pasadeña, El Nido, Palawan noong nakalipas na Biyernes, ika- 8 ng Setyembre 2023.

Ayon kay El Nido PNP Commander PMAJ. BERMAR HERRERA sa Brigada, ito ang depensa sa pulisya ng suspek na si Gideon Sotabinto Ferido, isang negosyante matapos mabaril si Ramil Florida Ilagan, 39 anyos.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Dagdag ni Herrera, na base sa alegasyon ni Ferido ay sinugod umano siya ng kutsilyo ni Ilagan pero walang narekober na kutsilyo sa crime scene at wala ring testigo.

Read More:  4 killed, 17 injured after truck crashes into tree in Southern Leyte

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pamamaril.

Kung matatandaan, dead on the spot ang biktima matapos na magtamo ng sugat sa tagiliran.