Lagman: Rice retailers, dapat magsumite ng inventory sa DTI at DA upang matulungan sa epekto ng price ceiling

Naniniwala si Albay Representative Edcel Lagman na dapat magsumite ng sworn statements ang rice retailers ukol sa imbentaryo ng kanilang bigas.

Ayon kay Lagman, kailangang makita ang rice inventories at purchase costs upang matugunan ng gobyerno ang hinaing ng retailers na mawawalan sila ng kita kung ibebenta ang stocks sa itinakdang price ceiling.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Isusumite ang sworn statements sa Department of Agriculture at DTI habang aatasan aniya ang National Food Authority (NFA) na bilhin ang compliant inventories ng retailers sa mataas na halaga kumpara sa procurement cost.

Paliwanag ng kongresista, ibebenta ng NFA ang suplay sa publiko sa regulated price kahit na malulugi.

Makatutulong umano ang stratehiya hindi lamang sa mga magsasaka na may tinatanggap na subsidiya kundi pati na mga rice retailer at consumer.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Bukod dito, ipinanawagan ng mambabatas sa gobyerno ang full implementation ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF para sa benepisyo ng mga magsasaka at kanilang pamilya.

Gayundin ang pagpapatupad ng government-to-government negotiations sa pag-aangkat ng bigas upang masiguro na pinakamababang halaga ang makukuha ng authorized private importers.