Apat sa bawat 10 Pilipino – ‘di satisfied sa senior high school

Makikita sa inilabas na resulta ng Pulse Asia Survey na apat sa sampung Pilipino ang hindi satisfied sa ipinapatupad na Senior High School (SHS) sa bansa.

Ayon kay Senador Win Gatchalian, malinaw lang nitong ipinapakita na hindi naging matagumpay ang layunin ng Senior High School Program na gawing “college-ready” at “work-ready” ang mga mag-aaral.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Dagdag pa niya, imbis na makatulong ang dagdag na dalawang taon ay naging pabigat pa ito sa mga magulang dahil sa gastos na dulot nito.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Kaugnay nito, itinutulak niya ang pagsasabatas ng Batang Magaling Act o Senate Bill No. 2022 upang masolusyunan ang mismatch sa kasanayan at pangangailangan sa labor market.