NTF-ELCAC, bukas daw sa mga ‘moral’ at ‘ethical’ advices mula sa Simbahan

Wi-nelcome naman ng buong puso ni National Security Adviser ang pagiging bahagi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa anti-insurgency agency ng Gobyerno na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Ayon kay NSA Eduardo Año – mahalaga ang papel ng Simbahan sa pagwaksi sa karahasan at terorismo sa bansa.

Aniya, makatutulong ang sektor ng relihiyon para makamit ang long-term na kapayapaan sa bansa.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Sinabi pa ni Año na bukas ang tanggapan ng Security Council para sa mga suhestyon at advise ng CBCP pagdating sa usapin ng ‘moral’ at ‘ethics’.