DICT, tiniyak na tutugisin ang mga sindikatong nasa likod ng text scams

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology na mayroon na silang mga hakbang para matunton ang mga grupong nasa likod ng mga text scams.

Sa kabila kasi ng naipasang batas na SIM Card Registration – laganap pa rin ang mga scam messages at mga spams kaya tingin ng ilang mga mambabatas – mayroon nang sindikatong nasa likod nito.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Sa isang panayam, sinabi ni DICT Sec. Ivan John Uy na mayroon na silang mga mekanismo para ma-trace ang mga ogranized syndicates sa likod nito.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Tinutunton din umano nila ang kalakaran ng pagbebenta ng mga pre-registered SIMs na napag-alamang nabibili ng haggang P500 kada isa.