Presyo ng kamatis, lumobo sa ilang pamilihan

Lumobo sa ilang pamilihan ang presyo ng kamatis.

Batay sa Department of Agriculture (DA) Bantay Presyo, naglalaro ang halaga ng kamatis sa Metro Manila mula P160 hanggang P210.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Kung maalala noong Hulyo, tinatambak na lamang ang kamatis sa mga probinsya dahil sa oversupply.

Bukod dito, tumaas din ang presyo ng gulay; ayon sa abiso ng DA nasa P110 hanggang P180 na ang kilo ng repolyo; P150 hanggang P200 naman sa carrot; habang P160 hanggang P240 sa baguio beans; at maging patatas P120 hanggang P160 kada kilo.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon kay Nueva Vizcaya Agricultural Terminal General Manager Gilbert Cubila, tinatayang sa Disyembre pa bababa ang halaga ng gulay kung sakaling hindi masisira ng panibagong bagyo ang mga pananim.