Dating pulis na nagkasa ng baril sa siklista, hindi sumipot sa LTO

Hindi nakarating ang dating pulis na nagkasa ng baril sa isang siklista sa pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) sa halip ang kanyang anak ang pumunta.

Read More:  Various groups to hold ‘Baha sa Luneta 3.0’ protest on September 21

Ayon sa kanyang anak, wala itong pinaabot na salaysay kung bakit hindi dapat kanselahin ang driver’s license ng dating pulis at sinuko na sa ahensya ang lisensiya para magmaneho si Gonzales.

Nahaharap ang dating pulis sa paglabag ng disregarding traffic sign, obstruction of traffic, reckless driving, at improper person to operate a vehicle.

Read More:  Senate passes bill barring public officials’ relatives from government contracts

Samantala, ayon sa bicycle enthusiast na si Atty. Raymond Fortun hangga’t hindi lumalantad ang siklista maaaring hindi umusad ang kasong kriminal laban dito.