Mga whistle o pito at batuta, nais ibalik ni Sen. Bato dela Rosa bilang bahagi ng police uniform

Iminungkahi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na muling isama sa police uniform ang pito at baton o batuta dahil kailangan na umanong magkaroon ng non-lethal approach matapos ang pagkakapatay sa teenager na si Jemboy Baltazar.

Ayon kay Dela Rosa, sinabi niya kay Philippine National Police chief Police General Benjamin Acorda (PNP) na huwag nang hintayin pa na gumawa ng batas ang Senado at Kongreso, dahil kailangan nang gawin ngayon ang naturang hakbang.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Kaya umano diretsahang gumagamit ng baril ang mga pulis dahil wala na silang ibang option na maaring gamitin para maipakita ang kanilang otoridad.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Importante rin aniya na may ganitong mga kagamitan ang hanay ng kapulisan, dahil imbis na paputokan agad ang tao na tumatakbo, pipituhan na lamang ito.

Sa huli, mariing sinabi ng mambatas na hindi dapat gumamit ng warning shots ang mga pulis tuwing may mga operasyon, maliban na lamang kung ang buhay ng police officer ay nasa  panganib.