PNP, nakapagtala ng isang suspected election related incident kaugnay ng paparating na BSKE

Nakapagtala ng isang suspected election related incident ang Philippine National Police kaugnay ng paparating na Barangay and Sanggunian Kabataan Election.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ito ang pamamaril na nangyari sa Libon, Albay kung saan ang biktima ay isang punong barangay.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Nangyari ang insidente matapos niyang makapaghain ng Certificate of Candidacy para sa darating na eleksyon.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Ayon kay Fajardo, nagpapatuloy ang kanilang threat at risk assessment sa mga lugar na mayroong intense political rivalry.

Ito ay upang makapagdagdag ng mga pulis katuwang ang AFP para matiyak ang mapayapang pagdaraos ng eleksyon sa Oktubre.