9 na SUCs sa Bicol region, maghaharap para sa 2023 Regional SCUAA

CAMARINES SUR –Siyam na State Universities and Colleges (SUC’s) sa rehiyong Bicol ang maghaharap-harap na sa Setyembre 3 hanggang 8 sa gaganaping 2023 Regional A State Universities and Colleges Athletic Association (SCUAA).

Pangungunahaan ito ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) na siyang maghohost ng event kasama ang walong mga SUCs na kinabibilangan ng Bicol State College of Applied Science and Technology (BISCAST), Bicol University (BU), Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC), Partido State University (ParSU), Catanduanes State University (CatSU), Sorsogon State University (SorSU), Camarines Norte State College (CNSC) at Dr. Emilio B. Espinosa Sr. Memorial State College of Agricultural and Technology (DEBESMSCAT).

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Alejandro Saluna, Sports Director ng CBSUA, layunin nito na makapili ng mga atleta na magrerepresenta ng rehiyong Bicol sa paparating na National SCUAA sa Oktubre 1 hanggang 6 na gaganapin sa Region 3 partikular sa Tarlac Agricultural University.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Magkakaroon ng dalawampung laro ang nasabing kompetisyon kabilang ang basketball, athletics, swimming, badminton, lawn tennis, table tennis, footsal, volleyball, chess, softball, baseball at soccer football.  

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanilang paghahanda lalo na sa mga lugar ng iba’t-ibang laro tulad ng Swimming and Athletics na gaganapin sa Pacol Sports Complex sa Naga City at Basketball na gaganapin naman sa Ka-Fuerte Coliseum.