Mahigit isandaang checkpoints nakatalaga sa Central Luzon ngayong Election Period

Personal na nag-ikot si Police Regional Office III Dir. PBGen. Jose Hidalgo Jr at Regional Elections Director Atty. Temie Lambino sa mga COMELEC Checkpoints sa ilang lugar sa Pampanga.

Ito ay sa pagsisimula ng Election Period, 12:01 ng madaling araw ng August 28.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Ayon sa PRO3, nasa 146 checkpoints ang nakatalaga sa Central Luzon kung saan nakadeploy ang mahigit isanlibong pulis.

Kasabay nito ay ang pagpapatupad na rin ng gun ban kaya paalala ng PNP sa publiko na maging cooperative.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Pinapaalalahanan rin umano ni Hidalgo ang kapulisan na maging magalang sa mga motorist at ipatupad ang batas alinsunod sa general guidelines ng Revised Police Operational Procedures.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO