“Operation Baklas”, ginagawa na sa mga silid aralan sa Naga City

NAGA CITY- Binabaklas na ng mga guro sa Naga City ang mga dekorasyon, tarpaulin o mga posters na hindi naman na kailangan sa mga silid-aralan o hindi na kailangan sa pagpapalawak ng kaalaman tulad ng mga commercialized na mga tarpaulins at iba pang mga nakadikit.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Department of Education, Naga City Division Superintendent Dr. Susan Collano mula noong ipalabas ang DepEd Order , hiningi niya ang opinyon ng mga school heads ukol sa principles of teaching o learnings. 

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kaya ngayong linggo titinggan din ng DepEd kung papaano nasunod ang  DepEd Order no. 21, series of 2023 o ang Brigada Eskwela Implementing Guidelines. Hindi aniya maikakaila na kailangan ang visual aids lalo na sa early grades.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Sa susunod na linggo bubuksan na ang Academic year 2023-2024 ng DepEd , sa ngayon hinababol ng mga guro ang pagtitiyak na maaliwalas ang mga classrooms.