PSWDO, suportado ang training on Hilot Wellness Massage sa Albay

LEGAZPI CITY – Suportado ng Provincial Social Welfare and Development Office ang isa sa mga natukoy na skills training ng Albay KALIPI Federation, ang Training on Hilot Wellness Massage.

Ang nasabing Training on Hilot Wellness Massage ay isinagawa sa nito lamang Agosto 17 hanggang 18, 2023 sa Zubiri Hall, APCEMDO, Cabangan, Camalig, Albay.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ang aktibidad na ito ay aktibong nilahukan ng apat na pu (40) na mga KALIPI Officers at mga miyembro mula sa 1st District ng Albay, Rapu-Rapu at Manito, Bahay Pag-asa for Girls staff, at PSWDO Staff.

Ang mga starter kit ay ibinigay at ginamit sa 2-araw na aktwal na demonstrasyon.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kalahok at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay kay Sheila Mae B. Miranda, isang TESDA Trainer, sa pagbabahagi ng kanyang oras at kakayahan sa mga kalahok, gayundin sa APCEMDO para sa lugar ng pagsasanay at sa APAO sa pag-accommodate ng mga tagapagsanay at ilang mga miyembro.