Pagbabalik ni Maine Mendoza sa E.A.T, ikinatuwa ng marami

Binulaga ni TV host-actress Maine Mendoza ang pagbabalik niya sa noontime show na ‘E.A.T.” noong Huwebes ng tanghali.

Full energy ang binigay ni Maine sa opening portion ng programa, kung saan ikinatuwa ng mga audience, fans, at co-hosts ang kanyang “comeback.”

Read More:  Bela Padilla, Martin Tan spotted together weeks after breakup

Mahigit isang buwang kasi itong nawala matapos ikasal sa aktor at congressman na si Arjo Atayde.

Matatandaang ikinasal si Maine noong July 28 at agad na dumiretso sa kasal ni Maja Salvador sa Bali, Indonesia noong July 31.

Read More:  ‘2 Valid IDs’ highlights struggles of wife seeking financial aid for sick husband

Agad namang pumunta ang dalawa sa Europe para sa kanilang honeymoon, at para dumalo sa premiere night ng pelikula ni Arjo sa Locarno Film Festival na “Topakk.”