4 mga sasakyan hindi pinabiyahe matapos makitaan ng paglabag sa composite team inspection sa Naga City

NAGA CITY- Nasorpresa ang mga driver ng bus, jeep at van sa Naga City sa ginawang inspection kahapon Agosto 15, 2023 sa pinag-isang puwersa ng mga ahensya ng gobyerno na nagsisiguro ng kaligtasan ng mga pampublikong sasakyan.

Maagang inikot ng mga personahe ng Land Transportation Office (LTO) , Highway Partrol Group (HPG) , Public Safety Office (PSO) Traffic  Management Center(TMC) , Naga City Police Office- Traffic  Enforcement Unit (TEU) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Bicol Central Station , sumunod ang East Bound Terminal.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Tininggan ang lisensya at BLOWBAGETS o Battery, lights, oil, water, brake, air, gas, engine, tire, and self.

Ayon kay TEU Head PLTCOL Garry Mangente, ang hakbang ay bilang pagsisimula sa paghahanda sa paparating na Peñafrancia Festival na tiyak ang pagdagsa ng mga deboto at bisita.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Sa huli, sinabi ni TMC Head Arnulfo Fausto , dalawang bus ang hindi na pinabiyahe dahil expired na ang rehistro.  Isang jeep at van din ang may parehong paglabag kaya hindi pinabiyahe ng LTO. Hiwalay naman ang magiging drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).